CAAP, nagpatupad ng NOTAM sa Bulkang Mayon

Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng panibagong Notice to Airmen (NOTAM) para sa mga flight na malapit sa Bulkang Mayon.

Sa abiso, pinapayuhan ang mga piloto na sundin ang vertical limit na hanggang 11,000 feet mula sa ibabaw ng bulkan.

Tatagal ang NOTAM hanggang alas-9:00 ng umaga bukas, December 11.

Ayon sa CAAP, dapat iwasan ng flight operators ang paglapit sa Mayon dahil sa panganib ng biglaang pagsabog at ashfall.

Ito ay bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng mga pasahero at crew.

Facebook Comments