CAAP, nagsasagawa ng disinfection sa mga paliparan kada apat na oras

Nagsasagawa ng pagsa-sanitize sa airport facilities kada apat na oras ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa harap ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Naglagay na rin ang CAAP ng karagdagang hand sanitizers at disinfectants sa lahat ng passenger terminal buildings (PTBS) sa CAAP-operated airports.


Maging ang mga empleyado ng CAAP ay mahigpit din na ino-obliga na sumailalim sa thermal screening bago pumasok sa mga pasilidad.

Facebook Comments