Nakahanda na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pinangangambahang pagtama ng Super Typhoon Mawar o Betty.
Inalerto na ng CAAP ang kanilang mga tauhan sa mga paliparan sa Northwestern na bahagi ng Luzon.
Kabilang dito ang Tuguegarao Airport, Basco Airport, Itbayat Airport, Cauayan Airport at Palanan Airport.
Gayundin ang mga paliparan sa Laoag, Vigan, at Baguio na pinangangambahang mahagip ng bagyo.
Hinimok naman ng CAAP ang mga biyahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines hinggil sa posibleng pagbabago sa flight schedules.
Facebook Comments