
Itinaas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang heightened alert sa lahat ng area centers at operasyon ng mga paliparan.
Ito’y bilang paghahanda sa papalapit na bagyo na inaasahang tatama sa ilang bahagi ng bansa ngayong weekend.
Ipinag-utos ni CAAP Director General Lt. Gen. Raul L. Del Rosario AFP (Ret) sa lahat ng airport managers, lalo na sa mga lugar na posibleng daanan ng bagyo, na i-aactivate ang kani-kanilang emergency preparedness and response plans.
Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, sasakyang panghimpapawid, at mga pasilidad ng paliparan.
Facebook Comments








