CAAP, nakikipag-ugnayan na sa Malaysia at Singapore kaugnay ng frozen air asset ni dating Rep. Co

Nakikipag-ugnayan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa aviation counterparts nito sa Malaysia at Singapore.

Kasunod ito ng freeze order sa air assets ni dating Cong. Zaldy Co.

Ayon sa CAAP, lumiham na sila sa Civil Aviation Authority of Malaysia (CAAM) at sa Civil Aviation Authority of Singapore (CAAS).

Sa liham ng CAAP, nakapaloob dito na ang aircrafts ni Co ay sakop ng freeze order ng Court of Appeals kasunod ng beripikadong ex parte petition ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Una nang napaulat na ang dalawang AgustaWestland helicopters ni Co ay nasa Kota Kinabalu, Malaysia, habang ang isang Gulfstream aircraft ng dating mambabatas ay nasa Singapore.

Facebook Comments