CAAP, nilinaw na wala pang delayed at cancelled flights ngayong bagong taon

Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala pang naitalang delayed at cancelled flights ngayong unang araw ng bagong taon.

Ito’y sa kabila ng makapal na usok dulot ng mga firework.

Ngunit, pinaalala naman ng ahensya na makaaapekto ang makapal na usok sa operation ng mga flight at kailangang paigtingin ang general guidelines upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.


Sa ngayon, nakaantabay pa rin ang CAAP at mga airline upang ma-monitor at magtugunan ang potential risks upang masiguro ang magandang daloy ng operasyon.

Facebook Comments