Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang na-monitor ang kanilang control tower sa Davao kaugnay ng sinasabing pagtutok ng ilang tauhan ni Pastor Apollo Quiboloy ng laser ng choppers ng Philippine National Police (PNP).
Partikular ang PNP choppers na nagsasagawa ng aerial reconnaissance sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound.
Sinabi sa DZXL RMN News ni CAAP Spokesman Eric Apolonio na wala rin silang natatanggap na pormal na reklamo hinggil dito.
Tiniyak naman ni Apolonio na agad silang mag-iimbestiga sa sandaling makatanggap sila ng pormal na reklamo.
Tiniyak din ng CAAP na tuloy-tuloy ang normal na operasyon ng Davao International Airport.
Facebook Comments