Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board investigators ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa pagbagsak ng helicopter sa isang fish pond sa Malolos, Bulacan kahapon.
Sa nasabing insidente, 3 katao ang nasawi kabilang si Liberato “Levy” Laus dating Clark Development Corporation President at Pampanga business leader kasama ang aide nitong si Wilfran Esteban at pilot na si Everette Coronel.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, sentro ng imbestigasyon nila ngayon ang radio communication ng helicopter bago ito mag-take off.
Sinisilip din nila ang mechanical o aircraft condition ng helicopter dahil maayos naman ang lagay ng panahon nang umalis ito sa NAIA kahapon.
Sa datos ng CAAP umalis ang helicopter sa NAIA General Aviation hangar dakong alas 12:28 PM kahapon patungong San Fernando City, Pampanga pero bumagsak sa isang fishpond bandang 12:47 PM.