
Pinabulaanan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kumalat na report na hinggil sa sinasabing pagbagsak ng eroplano sa Roxas, Palawan.
Ayon sa CAAP, full accounted ang lahat ng flights na nag-o-operate sa Palawan at mga karatig na lugar.
Wala rin anila silang natanggap na report ng hinggil sa insidente, emergencies, o maging distress calls.
Batay rin sa pakikipag-ugnayan ng CAAP- Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC), sa air traffic control units, airline operators, at local authorities, lumalabas na walang nawawalang eroplano o ano mang ulat hinggil sa aircraft crash.
Kaugnay nito, umapela ang CAAP sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong report lalo na kung hindi nagmula sa official sources.









