Pinaghahandaan na rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang second wave ng holiday travelers.
Ayon sa CAAP, magpapatupad sila ng protocols para matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong sasakay sa eroplano.
Nananatiling naka-heightened alert ang CAAP para matiyak ang ligtas at maayos na airport services.
Itinuturing naman ng CAAP na matagumpay ang naging pamamalakad ng airport authorities sa holiday traffic nitong Kapaskuhan.
Muli namang nanawagan ang CAAP sa publiko na dumating ng maaga sa paliparan at iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay para hindi sila maabala sa biyahe.
Facebook Comments