CAAP, pinagsusumite ng report ng GCG kaugnay ng nangyaring aberya noong Bagong Taon

Binigyan ng tatlong araw ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para magsumite ng report sa nasabing tanggapan.

Kasunod ito ng nangyaring technical glitch noong Bagong Taon kung saan daan-daang flights ang nakansela.

Ayon kay GCG Chairperson Alex Quiroz, bilang partners ng CAAP sa national development at public service ay makatutulong aniya ang report hinggil sa kung paano pa nila masusuportahan ang CAAP para hindi na maulit ang aberya.


Ang Governance Commission bilang central advisory, oversight, at monitoring body para sa GOCCs, ang siyang nagmo-monitor at nagsasagawa ng evaluation sa operasyon ng GOCCs para maging transparent at responsive sa mga pangangailangan ng publiko.

Facebook Comments