*Cauayan City, Isabela*- Tiniyak ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Region 2 ang mga taong papasok sa Cagayan partikular sa mga paliparan upang masiguro ang hindi pagkakaroon ng sakit na Novel Corona Virus.
Ayon kay CAAP Manager Mary Sulyn Sagorsor, naglatag na sila ng mga precautionary measure katuwang ang ilang ahensya ng gobyerno para maiwasan ang nakamamatay na sakit na nagmula sa bansnag China.
Sinabi pa nito na nakipag ugnayan na rin sila sa Bureau of Quarantine sa ilang hakbang para manatiling ‘zero case’ ang buong Lambak ng Cagayan.
Nagdagdag na rin umano sila ng mga karagdagang tauhan para mapalawig pa ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa bawat paliparan sa probinsya.
Kinumpirma naman ng Department of Health na wala pang naitatalang kaso ng NCov sa rehiyon.