Monday, February 16, 2026

CAAP, siniguro ang kaligtasan ng mga pasahero kasunod ng aberya ng isang eroplano sa Puerto Princesa International Airport

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko na mahigpit nilang ipinatutupad ang mga safety protocol kasunod ng insidente sa Puerto Princesa International Airport.

Nagkaroon kasi ng landing gear issue ang Philippine Airlines (Flight GAP2788), na papuntang Maynila mula sa Puerto Princesa ilang sandali lang matapos ang departure.

Ligtas namang nakabalik ang eroplano at agad nagsagawa ang mga maintenance personnel ng troubleshooting procedures.

Nakaalis din ang naturang eroplano at ligtas na bakarating sa Manila.

Sa kasagsagan ng pagkukumpuni sa eroplano ay nagbigay naman ang airline company ng libreng pagkain.

Ang ibang pasahero ay isinakay sa ibang flights habang ang 61 na pasahero kasama ang isang sanggol ay itinuloy ang kanilang biyahe sa parehong aircraft.

Kasunod nito, muling binigyang diin ng CAAP ang kanilang commitment para mapanatili ang pinakamataas na standard ng aviation safety at siguruhin ang kaligtasan at well-being ng mga pasahero sa lahat ng oras.

Facebook Comments