Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nasa maayos na kondisyon ang kanilang 13 radars.
Ito ay bagama’t unang inamin na CAAP na luma na ang kanilang Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) System.
Ayon sa CAAP, ang kanilang 13 radars ay nasa NAIA1, Clark, Tagaytay, Aparri, Laoag, Cebu-Mt. Majic, Quezon-Palawan, Zamboanga, NAIA2, Mactan, Bacolod, Kalibo, at Davao.
Sakop aniya nito ang 70% ng Philippine air space.
Sa pagdagdag naman anila ng Automatic Dependent Surveillance – Contract (ADS-C) and the Controller-Pilot Data Link Communications (CPDLC), ang kanilang CNS/ATM ay sumasakop na sa 100% ng natitirang oceanic airspace.
Ang naturang equipments anila ay sinimula lamang gamitin nitong 2019.