CAAP, tiniyak na operational ang lahat ng paliparan sa kabila ng pagtama ng Bagyong Wilma

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na operational lahat ng kanilang mga paliparan.

Sa inilabas na situational report ng CAAP, wala umanong nasirang pasilidad at lahat ng airport facilities ay gumagana.

May available na power supply rin sa Passenger Terminal Building (PTB)

Maayos naman na nakalapag sa Siargao Airport ang flight DG6851 at DG6759.

Facebook Comments