CAAP, tiniyak na walang airport na napinsala sa malakas na lindol kahapon sa Mindanao

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang mga airport sa Mindanao na napinsala ng magnitude 7.4 na lindol kahapon sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Sa initial report mula kay CAAP Area Manager 12 Manager Evangeline Daba, sinabi nito na nagkaroon lamang ng minor damages sa mga sumusunod na paliparan:
1. Butuan Airport
2. Surigao Airport
3. Siargao Airport
4. Tandag Airport
5. Bislig Airport

Habang sa report ni CAAP-Davao Area 11 Manager Rex A. Obcena, kinumpirma nito na may ilang tiles lamang na bumagsak mula sa dingding ng palikuran at nagkalat ito sa may international arrival elevator ng Davao International Airport.


Gayunman, wala naman aniyang mga mahahalagang pasilidad na napinsala at ligtas ang mga pasahero gayundin ang mga naka-duty na empleyado ng airport.

Wala rin mga pinsala sa Area 11 partikular sa:

1.Francisco Bangoy International Airport/ Davao International Airport
2.General Santos International Airport
3.Cotabato Airport
4.Allah Valley Airport
5. Mati Airport

Normal din anila ang flight operations sa naturang mga airport.

Facebook Comments