Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang paliparan sa Mindanao ang naapektuhan ng Magnitude 6.1 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental
Ayon sa CAAP, walang naitalang pinsala sa Davao International Airport, Cotobato Airport at Mati Airport ang pagyanig.
All accounted din anila ang lahat ng mga tauhan sa mga nabanggit na paliparan.
Nangangahulugan ito na walang nasawi at nasaktan sa mga empleyado ng tatlong airport.
Wala rin anilang naging pinsala sa mga runway at taxiways kaya hindi sinuspinde ang operasyon ng tatlong paliparan.
Facebook Comments