CAAP, tuluyan nang umatras sa planong pagdedeklara ng NOTAM sa North Korea

Manila, Philippines – Tuluyan nang umatras ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa planong pagdedeklara ng Notice to Airmen sa air ways ng North Korea.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, sa ngayon kasi wala silang nakikitang direktang panganib sa mga eroplano dahil iba namang air ways ang dinadaan ng mga piloto.

Maging ang flights aniya patungong Japan ay hindi naman dumadaan sa himpapawid kung saan madalas magpakawala ang NoKor ng missile.


Gayunman, oras aniyang may airline na mag-request ng ‘no fly zone’ ay magbababa sila ng deklarasyon.

Una nang nagdeklara ang Air France-KLM ng no fly zone sa North Korea matapos na magpakawala ang Pyongyang ng intercontinental ballistic missile kung saan dumadaan ang kanilang eroplano.

Facebook Comments