Monday, January 19, 2026

CAAP, walang naitalang malaking pinsala sa mga pasilidad ng paliparan sa buong bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Ada

Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang naitalang malaking pinsala sa mga pasilidad ng paliparan sa buong bansa.

Ito’y matapos ang pananalasa ng Tropical Storm Ada.

Gayunman, kinumpirma ng CAAP na apat na biyahe ang kinansela kahapon, Linggo, Enero 18, 2026, at naapektuhan ang nasa kabuuang 409 pasahero na biyaheng Virac to Manila at vice versa.

Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, nananatiling bukas at operational naman ang lahat ng paliparan.

Naka-heightened alert pa rin ang mga tauhan ng CAAP upang agad na tumugon sa anumang posibleng emergency.

Patuloy naman na mino-monitor ng CAAP ang kalagayan ng panahon at operasyon ng mga paliparan, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga airline operator.

Iginiit ng ahensya na mas mahalaga ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

Facebook Comments