CAAP, walang naitalang pagkasira sa mga airport sa Mindanao matapos ang magnitude 7.4 na lindol; operasyon ng paliparan nananatiling normal

Nanatiling normal sa ngayon ang operasyon ng mga paliparan sa Mindanao peninsula matapos ang nangyaring magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) wala namang naitalang damage sa ilang pasilidad ng mga paliparan ng Surigao Airport, Siargao Airport, Butuan Airport, Tandag Airport Bislig Airport, General Santos International Airport ,Cotabato Airport Allah Valley Airport, Mati Airport.

Sa Davao International airport naman ay nagkaroon ng minor damage matapos magkaroon ng bitak ang isang tiles sa pader ng elevator ng naturang paliparan.


Tiniyak naman ng ahensya na kaligtasan pa rin ng mga pasahero at mga personel ng paliparan ang kanilang prayoridad kung kaya nakamonitor pa rin sila sa mga pasilidad nito at mga runways para ma-assess kung may pinsala pa ba sa mga airport.

Facebook Comments