CAAP, walang naitalang pinsala sa mga paliparan kasunod ng lindol sa Surigao

Walang naitalang pinsala sa mga paliparan ang magnitude 5.0 na lindol sa Surigao kahapon

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio, pagkatapos ng lindol agad ay nilang inactivate ang tower emergency plan upang suriin ang mga paliparan sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Sa ngayon, patuloy aniya ang operasyon ng passenger terminals matapos makitang normal ang sitwasyon.


Nagsagawa rin ng assessment ang CAAP sa terminal building at communication equipment kung saan wala ring nakitang pinsala sa runway.

Sa kabila nito patuloy na nakatutok ang CAAP sa sitwasyon sa harap ng posibleng aftershocks.

Facebook Comments