CAAP, walang naitalang pinsala sa mga paliparan kaugnay ng lindol sa Tarlac

Walang naitalang pinsala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga paliparan sa Central at Northern Luzon kaugnay ng magnitude 5.2 na lindol na tumama sa Tarlac.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, matapos ang lindol ay agad na inactivate ng CAAP Manila Tower ang emergency plan 6 (earthquake) upang suriin ang katayuan ng mga paliparan sa lugar.

Ang mga paliparan sa Northern Luzon sa ilalim ng CAAP Area 1 kabilang na ang Laoag, Vigan, Lingayen, Baguio, Rosales, at San Fernando Airports ay walang pinsala.


Normal din aniya ang passenger terminal operations sa naturang airports matapos ang assessment sa runway at sa gusali.

Sa kabila nito, patuloy na binabantayan ng CAAP Operations Center at Airport Safety Officers ang mga paliparan dahil sa posibleng aftershocks.

Facebook Comments