CAAP, walang naitalang pinsala sa mga paliparan sa Isabela kasunod ng nangyaring lindol kahapon

Walang naitalang pinsala sa mga paliparan ang Civil Aviation of the Philippines (CAAP) kasunod ng magnitude 5.6 na lindol kahapon sa Maconacon, Isabela.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, matapos ang lindol ay agad nilang inactivate ang tower emergency plan upang suriin ang mga paliparan sa mga lugar na niyanig ng lindol.

Sa ngayon, patuloy aniya ang operasyon ng passenger terminal matapos makitang normal ang sitwasyon.


Nagsagawa rin ng assessment ang CAAP sa terminal building, communication equipment at runway kung saan wala ring nakitang pinsala.

Sa kabila nito, patuloy na nakatutok ang CAAP sa posibleng aftershocks.

Facebook Comments