Nagsagawa ng hiwalay na imbitasyon ang Civil Aeronautics Board (CAB) kaugnay sa pagdami ng reklamo patungkol sa mga naantalang byahe o kaya ay biglang kanselasyon ng airlines.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi Atty. Carmelo Arcilla, Executive Director ng CAB na ang nangyayari ay nagkakaroon ng supply change disruptions sa buong mundo.
Hindi aniya agad dumarating ang spare parts na order ng airlines kaya naantala ang repair sa eroplano.
Dahil dito kapag kinapos aniya ng eroplano ay magsasagawa ng downgrading ang airline.
Ibig sabihin, mula sa malaking eroplano maliit na eroplano ang gagamitin kaya may mga hindi makakasakay.
Isasakay lang aniya ang vulnerable sectors gaya ng matatatanda at buntis habang ang ibang pasahero ay ramdomly pinipili gamit ang computer.
Magkagayumpan, nagbibigay naman daw ng compensation ang airlines sa mga naantala ang byahe.
Batay aniya ito sa air passenger bill of rights na dapat sinusunod ng airlines.
Dapat din daw ipaunawa sa mga hindi nakasakay na pasahero ang patungkol sa downgrading at kung bakit nangyari upang hindi naman sobrang magalit ang mga pasahero.