CAB, nagbabala sa airline companies na nag-o-overbook

Plano ng Civil Aeronautics Board (CAB) na patawan ng mas mataas na multa ang mga airline companies na nago-overbook ng mga flights.

Balak ng CAB na gawing P200,000 hanggang P2-million ang multa sa bawat paglabag.

Gayunman, magiging depende rin anila ang multa sa uri ng violation.


Sa kasalukuyan, P5,000 kada violation ang multang pinapataw ng CAB sa airlines na nag-o-overbook ng flight.

Facebook Comments