CAB, nagpaliwanag sa nakatakdang pagtaas ng presyo ng air ticket sa susunod na buwan

Todo paliwanag ngayon ang Civil Aeronautics Board (CAB) sa nakatakdang pagtaas ng presyo ng air ticket sa susunod na buwan.

Sinabi ng Civil Aeronautics Board (CAB), ang pagtaas ng presyo ng ticket ay dahil na rin sa mas mataas na fuel surcharge.

Ito ay ang dagdag na bayad na ipinapataw ng transport companies dahil sa hindi stable na presyo ng mga produktong petrolyo.


Inaasahan naman umanong aabot sa level 7 ang fuel surcharge pagsapit ng Nobyembre para sa passenger at cargo services sa mga domestic at international flights.

Sa ngayon ay nasa level 6 lamang ang surcharge.

Sa ilalim ng level 7, ang dagdag na fuel surcharge para sa domestic flights ay mula P219 hanngang P689, habang P185 hanggang P665 lamang sa level 6.

Para naman sa international flight, ang level 7 ay naglalaro sa pagitan ng P772.71 hanggang P1,124.26 habang ang level 6 ay mula P610.37 hanggang P949.51 lamang.

Facebook Comments