CAB, naka-monitor sa presyuhan ng jet fuel

Binabantayan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang galaw ng presyo ng jet fuel.

Ayon kay Atty. Clarabel Ann Lacsina ng CAB, sa ngayon bumaba ang presyo ng jet fuel sa merkado kaya bumaba ang fuel surcharge sa Level 5 mula sa Level 6.

Mino-monitor din ng CAB ang palitan ng piso kontra dolyar na isa rin sa pinagbabasehan ng fuel surcharge.


Magugunitang sa nakalipas na limang buwan, nanatili sa Level 6 ang fuel surcharge.

Facebook Comments