CABARUAN SPIP, BINIGYANG DIIN NI PANG. MARCOS SA KANYANG SONA

CAUAYAN CITY – Binigyang diin ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA kahapon, ika-22 ng Hulyo, ang pagpapatayo sa Cabaruan Solar Powered Irrigation Project (SPIP)sa Bayan ng Quirino, Isabela.

Kinilala ang Cabaruan SPIP bilang pinakamalaking solar-powered pump irrigation projects sa bansa.

Ito ay sa ilalim ng Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS) kung saan may pondo itong umabot sa P65.77 million.


Kung matatandaan, pinasinayaan ang naturang proyekto sa pangunguna ng pangulo noong ika-20 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Inaasahan namang 350 ektarya ng palayan ang matutubigan nito at 237 na magsasaka ang mabebenipisyuhan.

Facebook Comments