Cabatbat, nagtitiwala sa Korte Suprema at nagpapasalamat sa mga taga suporta

Tiwala si Atty. Argel Cabatbat na papabor sa kanya ang desisyon ng Korte Suprema dahil nakatakda nilang ilabas ito sa kanyang pagtatalaga.

“Malaki ang respeto at pagkilala natin sa galing at kakayanan ng ating hukuman. Tiwala tayong mananaig ang tama para sa magsasakang Pilipino,” ayon kay Cabatbat.

Itinigil na ng Korte noong 2022 ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na iproklama ang isang hindi lehitimong kandidato bilang kinatawan ng party-list, isang aksyon na kinikilala ng mga magsasaka bilang proteksyon sa kanilang boto.


“Minsan nang nagdesisyon ang Korte para sa ating panig, at naniniwala ako na kikilalanin tayo bilang tunay na kinatawan ng magsasakang Pilipino,” sinabi ni Cabatbat.

“Wala tayong sinayang na oras, dahil bawat araw, ipinaglalaban natin ang kaunlaran at karapat ng mga magsasaka.”

Sa isang pahayag, nagpasalamat siya sa kanyang mga suporta at pinaalala sa kanila na magtiwala sa judicial system.

“Nakakaantig po ang inyong suporta at ang hiling ko lang ay maging mahinahon po tayo sa ating panawagan. Maniwala po tayo sa integridad ng Korte Suprema, at sa prinsipyo mg ating mga hukom. Patuloy po tayong nagserserbisyo sa sektor ng agrikultura, at lahat ng ating pagkilos ay sinisigurado na maibabalik ang tunay na boses ng magsasaka sa Kongreso,” dagdag ni Cabatbat.

Facebook Comments