Manila, Philippines – Hinati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete sa anim na cluster kabilang na ang grupong tututok sa 10-point socioeconomic agenda ng pamahalaan.
Sa paglagda ni Duterte sa Executive Order no. 24 ay muling nahati ang gabinete sa sumusunod:
– Participatory governance
– Infrastructure
– Human development and poverty reduction
– Security, justice, and peace
– Climate change adaptation and mitigation and disaster risk reduction, chaired
– Economic development
Mababatid na bago sa mga cluster ang participatory governance at infrastructure na pamumunuan ng mga kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Inatasan ng pangulo si Armed Forces Chief General Eduardo año bilang kalihim ng DILG post sa June 2 habang pamumunuan naman ni Sceretary Mark Villar ang DPWH.
Samantala, binuo ng punong ehekutibo ang infrastructure cluster para ma-monitor ang infrastructure development na bahagi ng 10-point socioeconomic agenda ng administrasyon.
DZXL558