Sumentro sa mga proyekto at programa ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isinagawang Cabinet meeting kaninang umaga sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na unang nag-report sa Cabinet meeting ang DOST at inihayag ang mga prayoridad para sa pagbuo ng technology-based enterprises jobs para sa regional development.
Pangalawa, food security at resilience, tinalakay rin ang health security, water security at environmental protection at energy.
Habang ini-report naman ng DENR ang ilang usapin.
Ito ay ang kanilang priority programs para sa water security, pagpapa-angat pa ng natural capital accounting system, kabilang na ang valuation of ecosystem services.
Pangalawa, budget realignment at strategic collaboration sa mga Local Government Unit (LGU), private sector, academe at pangatlo pagpapaangat pa ng Science and Technology in Environmental and Natural Resources Management.
Halimbawa na rito ang balik scientist program ng DOST, improvement of sensors, sensor networks and analytics at pag-promote ng green at blue jobs kaugnay sa environmental and natural resources management.