Cabinet meeting ngayong araw, sumentro sa programa at proyekto ng DMW at DOLE

Photo Courtesy: Office of the President Facebook Page

Tinalakay sa ginanap na cabinet meeting ngayong araw sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang usapin may kaugnayan sa mga manggagawa sa bansa at mga manggawang Pilipino sa abroad.

Batay sa ulat mula sa Office of the President pinag-usapan ang mga prayoridad na programa at proyekto ng Department of Migrant Workers (DMW) and Department of Labor and Employment (DOLE).

Ilan sa mga prayoridad na proyekto na tinalakay ay ang One Repatriation Command Center, Overseas Filipino Workers (OFW) Mobile Application, at National Reintegration Program ng DMW.


Habang sa usapin sa DOLE ay tinalakay ang pagpaparami ng trabaho sa bansa, pagtiyak ng magandang lugar para makapagtrabaho ng maayos ang empleyado at ang pagkakaroon ng mas mabilis at patuloy na serbisyo sa tao.

Facebook Comments