Cabinet Sec. Nograles: “Hindi dapat Pabayaan ang mga Irrigators Association at Magsasaka sa ilalim ng Mandanas Ruling”

Cauayan City, Isabela- Hindi umano kailangang pabayaan ang mga National Irrigators Associations dahil malaki pa rin ang kanilang kontribusyon sa bansa lalo na ang ipatutupad sa 2022 na Mandanas Ruling o ang pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo.

Ito ang pinatitiyak ni Cabinet Secretary Atty. Karlo Nograles sa National Irrigation Administration (NIA) subalit ayon sa ahensya ay magpapatuloy ang kanilang suporta para sa mga communal irrigation.

Ayon sa kalihim, mapupunta sa 1st, 2nd, 3rd at 4th class municipalities ang ilang function ng NIA sa communal irrigation system sa ilalim ng gagawing mandanas ruling habang sa 5th at 6th class municipalities ay mapupunta sa pangangalaga ng mga LGU subalit ang NIA pa rin ang pagmimintina nito.


Dagdag pa ni Nograles, kailangan pa rin ibahagi sa mga irrigators association ang ilang technology transfers sa mga bayan, pagtuturo sa mga ito kung paano mapangalagaan at ang pagbabahagi ng dagdag kaalaman sa kanila sa kabila ng kawalan sa ngayon para dito.

Sa kabila nito ay tiniyak ng NIA na tututukan nila ang pangangailangan ng mga magsasaka kahit ipatupad na ang implementasyon ng mandanas ruling.

Samantala, hinimok rin ni Nograles na makibahagi ang mga magsasaka at irrigation association sa Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) kung saan direktang bibilhin ng Task Force on Zero Hunger ang kanilang mga produkto.

Facebook Comments