Cabinet secretaries, hindi ligtas sa ipinatutupad na health safety protocol sa Malakanyang

Hindi exempted sa health safety protocol na ipinatutupad ng Presidential Security Group (PSG) ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na maging silang lahat na cabinet secretaries ay idinaan muna sa thermal screening o kinuhanan ng temperature bago pinapasok sa Malakanyang para sa cabinet meeting nitong nakalipas na Martes ng gabi.

Ito, aniya ay bilang pagtalima sa itinakdang health safety protocol ng PSG para matiyak ang kaligtasan at maprotektahan si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa novel coronavirus (nCoV).


Nauna rito ay ipinag utos ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa lahat ng pinuno ng mga ahensiya, depatamento at mga tanggapan ng gobyerno na magpatupad ng mga paraan alinsunod sa mga payo at panuntunan ng Department of Health (DOH), para makaiwas na makapitan ng nCoV.

Facebook Comments