CABINET SECRETARY | Davao City Representative Karlo Nograles, itinalaga ng Pangulo

1030

Manila, Philippines – Kinumpirma na ng source sa Palasyo ng Malacañang na itinalaga na ni Pangulong Duterte bilang Secretary to the Cabinet si Congressman Karlo Nograles.

Ang puwedto ni Nograles ay una nang binakante ni dating Secretary Jun Evasco na nagbitis sa posisyon matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagka Gobernador ng Bohol.

Ayon sa source, sa susunod na nakatakdang manumpa sa posisyon si Nograles sa posisyon.

Matatandaan na si Nograles ay dati nang napabalita na pasok sa listahan ng mga kandidato ng Administrasyon pero umatras ito.

Sinabi naman ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na mas magandang hintayin nalang ang pormal na anunsiyo dito ni Pangulong Duterte.

Sinabi din naman ng source na ngayong araw ay manunumpa naman sa bagong posisyon si Isidro Lapena bilang director General ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Facebook Comments