Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si acting presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles bilang ad interim chairman ng Civil Service Commission (CSC).
Pirmado ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Nograles nitong March 4, 2022.
Magtatapos ang termino ni Nograles sa CSC sa February 2, 2029 o pitong taong termino.
Si Nograles ang papalit sa pwesto ni Alicia dela Rosa-Bala na nagretiro nitong February 2, 2022 na itinalaga sa pwesto ni dating Pangulong Benigno Aquino noong 2015.
Si Nograles ay nagsilbing Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson ni Pangulong Duterte.
Samantala, wala pang impormasyon kung sino ang papalit kay Nograles bilang acting spokesman at cabinet secretary.
Facebook Comments