Cabinet Secretary Karlo Nograles, pansamantalang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang tagapagsalita nito

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang pansamantalang kapalit ni former spokesperson Harry Roque.

Si Roque ay bumaba sa pwesto para sa kandidatura nito sa pagkasenador sa eleksyon 2022.

Ayon sa pangulo, magtatagal ito hanggang makahanap ng bagong tagapagsalita ang pangulo.


Si Roque ay tatakbo sa ilalim ng partidong Peoples’ Reform Party (PRP) kung saan pinalitan niya si Paolo Martelino.

Aminado naman ang kalihim na walang anumang naramdamang pagsisisi sa paglilingkod bilang tagapagsalita ng pangulo.

Facebook Comments