Pinayuhan ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa gitna ng isyu sa kanilang partido.
Ayon kay Nograles, malaya ang sinumang miyembro ng PDP-Laban na mag-ober da bakod sa ibang partido.
Ito ay dahil walang pipigil at maaari sa kahit sinong miyembro kung nais nang kumalas sa ruling party.
Gayunman iginiit ni Nograles na nananatiling solido ang partido at walang paksyon na magaganap.
Binigyang diin ni Nograles na isa lamang ang layunin ng partido at ito ay suportahan ang Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng PDP-Laban sa gitna nang isyu nito kay Senador Manny Pacquiao na pangulo ng partido.
Facebook Comments