Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni Governor Carlos M. Padilla ang pagpapasinaya sa Cabnawan overflow bridge sa Canabay, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya kahapon, July 14, 2021.
Ito ay proyekto na ipinatupad ng Provincial Agricultural Office (PAO) sa pamumuno ni Engr. Virgilio V. Dela Cruz, Provincial Agriculturist.
Tinatayang umabot sa P3 milyon ang halaga ng konstruksyon sa proyekto na nagsimula pa noong February 15, 2021 at pinondohan sa ilalim ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Fund.
Ilan naman sa iba pang proyekto ng provincial government sa naturang lugar ay ang nakatakdang pagbubukas sa Road Opening/Widening of Accon to Canabay Farm-to-Market Road (FTMR) habang ang Mabigao FTMR, Cabnawan FTMR and Bayait FTMR ay kumpleto na.
Nais umano ni Gov. Padilla na mapabilis ang lahat ng proyekto dahil isa aniya itong dahilan kung bakit umutang ng P1 bilyon ang provincial government upang matapos ang lahat ng proyekto sa mas mabilis na panahon.
Samantala, binuksan na rin ang isa pang overflow bridge at flood control project sa Barangay Mabuslo, Bambang.
Bukod dito, nagbigay rin ng libreng vegetable seed at tilapia fingerlings ang Agriculture Office sa Barangay Canabay.