
Isinapubliko na ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste ang “Cabral Files” na nagdedetalye sa ₱721 billion na halaga ng proyekto sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ipinost ni Leviste ang Cabral Files sa kanyang official facebook page at ipinapakita nito ang mahigit ₱401 Billion na allocable budget para sa mga District Congressmen, ₱14 Billion pesos naman ang proposed ng Party-lists at ₱20 Billion pesos ang proposed ng mga Senador.
Tinukoy ni Leviste na ₱161 Billion ang halaga ng mga kahina-hinalang proyekto na karamihan ay flood control projects na may mga tag na OP (ES/SAP), F1, BINI10, OT 2, LEADERSHIP, at CENTI2025.
Binanggit din ni Leviste ang ₱213 Billion na DPWH projects na pinondohan mula sa Unprogrammed Appropriations noong 2023 at 2024.










