CADENA bill, inihain sa Kamara para mapalakas ang transparency at integridad sa paggamit ng pondo

Isinulong ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na mapalakas ang transparency at integridad sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Ito ang layunin sa paghahain ni De Lima ng House Bill 6898 o panukalang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act na kahalintulad ng Senate Bill No. 1506 na inihain ni Senator Bam Aquino.

Sa ilalim ng panukala ay ibubukas sa publiko ang lahat ng transaksyon sa gobyerno upang mapalakas ang pananagutan at partisipasyon ng mamamayan.

Iniuutos ng panukala ang pagtatag ng digital budget portal kung saan pwedeng alamin ng taumbayan ang ginagawang paggastos ng pamahalaan.

Ayon kay De Lima, target ng panukala na punan ang mga kakulangan sa mga mekanismo na humahadlang sa publiko na makuha ang mga impormasyon na magagamit para mapanagot ang tiwali na umaabuso sa kaban ng bayan.

Facebook Comments