Cadet admission test ng PNPA, record breaking!

Itinuturing ng Philippine National Police Academy (PNPA) na “record breaking” sa kasaysayan ng PNPA ang dumagsang bilang ng mga kwalipikadong aplikante para sa cadet admission test (CAT ) ng PNPA ngayong 2023.

Ito ay dahil umaabot sa 37,020 individuals na pumasa sa eligibility ang mapapabilang sa isasagawang PNPACAT sa 37 testing centers sa darating na Agosto 6.

Ayon kay PNPA Director BGen. Samuel Nacion, mas mataas ito ng 16.28% mula sa rekord noong 2022.


Paliwanag ni Nacion, ang nabanggit na bilang ay mula sa 108,470 na nagsumite ng applications simula noong January 1 hanggang nitong July 15.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga kwalipikadong aplikante sa kasaysayan ng PNPACAT.

Giit pa ni Director. Nacion na ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay sumasalamin sa lumalaking bilang ng mga kabataang nagnanais magsilbi sa bayan at mapabilang sa hanay ng miyembro ng PNP.

Facebook Comments