Sinipa na sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang 1st class cadet na nanakit ng isang 4th class cadet noong nakalipas na taon.
Nabatid na pinagtibay ni PNPA Director Maj. Gen. Eric Noble ang desisyon ng cadet disciplinary board na i-dismiss sa academy ang inireklamong kadete.
Base sa reklamo ng 4th class cadet, sinikmuraan siya ng nasabing 1st class cadet habang pinangangaralan.
Ayon kay Major General Noble, hindi nila kukunsintihin ang mga pang-aabuso sa kampo tulad ng pananakit, hazing at pagpapakita ng kawalang disiplina sa PNPA.
Ang pagpapatalsik aniya sa isa nilang kadete ay patunay lamang na may katumbas na pananagutan ang maling gawain ng mga plebo.
Facebook Comments