CAFGU Member, Patay Matapos Maaksidente!

112

*Cauayan City, Isabela- *Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (*CAFGU*) makaraang maaksidente sa kahabaan ng Brgy. Garit Norte, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Melvin Navarra, 23 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Minuri, Jones, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), binabaybay ng biktima ang nasabing lansangan lulan ang minamanehong Rusi 125 na motorsiklo, walang plaka at nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan ay nawalan ito ng kontrol sa manibela na dahilan ng kanyang pagkaka-aksidente.

Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang biktima na agad namang dinala sa pagamutan subalit binawian din ito ng buhay.

Facebook Comments

From Advertisers