Cafgu pinagbabaril patay sa Arakan Norrh Cotabato

Patay ang isang miembro ng cafgu ng ito ay pagbabarilin sa bayan ng Arakan sa lalawigan ng North Cotabato. Kinilala ang biktima na si Joffrey Bojeres Betonio.
Sakay ng kanyang Rosi motorcycle ang biktima patungo ng barangay Poblacion ng siyay barilin ng tinatayang limang hindi kilalang armadong suspect sa bahagi ng Barangay Anapolon sa bayan ng Arakan kahapon ng umaga. Nagtamo ang biktima ng multiple gun shoot wounds sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Sa ngayon ay wala pang matukoy na motibo at sa pagkakakilanlan ng mga suspect habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pnp sa kaso.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments