CAFGU, pinatay ng tatlong armadong lalaki sa Butuan City

48

Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos barilin ng tatlong armadong lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA).

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Saturnino Lapenyagan Lumacang, 59 taong gulang, residente sa Sitio Iyao, Brgy. Anticala, Butuan City.

Alas otso kagabi habang nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanyang bahay, bigla na lang pumasok ang tatlong lalaki na armado sa matataas na kalibre ng baril at walang habas na pinagbabaril ang biktima.

Nadala pa sa ospital si Lumacang pero idineklara itong dead-on-arrival.

tags; RMN Network, DXBC 693, Straight to the Point, Sasie Babar, CAFGU, Phil. Army, PNP

Facebook Comments