Cagayan at Isabela, Isasailalim sa COVID-19 Alert Level System 2

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang isailalim sa Alert Level 2 ang Lalawigan ng Cagayan at Isabela simula Nobyembre 17 hanggang 30, 2021.

Ang probinsya naman ng Batanes, Nueva Vizcaya at Quirino ay ipapatupad ang Alert Level 3.

Kasunod nito ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Alert Level System na ipatupad ito sa buong bansa.


Ilalagay sa Alert Level 2 ang Cagayan at Isabela dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Mataas pa rin kasi ang kaso ng COVID-19 sa mga probinsya ng Batanes, Nueva Vizcaya at Quirino kaya’t isasailalim muna sa Alert Level 3.

Facebook Comments