Cagayan at Isabela, binaha na rin dahil sa Bagyong Ulysses; PRC, puspusan ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo

Puspusan pa rin ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Sa interview ng RMN Manila kay PRC Chairman at Sen. Richard Gordon, partikular na tinututukan nila ngayong ang rescue operation at relief assistance sa mga apektado ng pagbaha sa probinsya ng Isabela at Cagayan.

Kahapon sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses, halos 400 na katao ang nasagip ng PRC sa mga binahang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan.


Ayon kay Gordon, nakapagtala rin sila ng 18 sugatan habang aabot sa 14,984 hot meals ang kanilang naibigay sa mga evacuation center.

Patuloy rin ang pagbibigay ayuda ng PRC sa Bicol Region na una nang binayo ng Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses.

Facebook Comments