Cagayan De Oro, Philippines – Isang martsa ang isinagawa ngayong araw sa lungsod ng Cagayan De Oro bilang pakiki-isa sa selebrasyon ng Labor Day
Kaninang umaga, isinagawa ang isang martsa sa magsaysay park sa lungsod ng Cagayan De Oro, kung saan nagsuot ng pula na t-shirt ang mga nakilahok.
Ayon sa Kilusang Mayo Uno, Northern Mindanao, na layunin nito na iparating sa pamahalaan ang pagpapatupad sa national minimum wage o 750 pesos na sahod sa bawat araw o 16,000 pesos sa bawat buwan.
Sinisingil din nito ang pangako ng gobyerno ni Presidente Duterte na pagpapahinto sa EndO o kontraktwalisasyon at pagbibigay prioridad sa sahod, trabaho, pabahay at serbisyong sosyal, hindi lang sa mga higanteng kapitalista.
Dagdag pa nito, ang pagpapatupad ng reporma sa lupa at industriyalisasyong pagkapayapaan.
DZXL558