Nasa recovery stage na ang lungsod ng Cagayan de Oro laban sa African Swine Fever (ASF).
Ito ang kinumpirma ng Acting City Veterinarian ng lungsod na si Dr. Lucien Anthony Acac.
Isinailalim na sa orientation para sa Swine Sentinel Program ang walong mga barangay na pinangungunahan ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang City Veterinary Office.
Binubuo ito ng mga Barangay sa Mambuaya, San Simon, Baikingon, Indahag, Macasandig, Agusan, Puerto, at Tablon kung saan bibigyan ng mga baboy at libreng feeds ang mga farmers na apektado ng ASF.
Ayon kay Dr. Acac, ang swine sentinel program ay isang programa ng Department of Agriculture kung saan bibigyan ng mga test pigs ang mga apektadong hog raisers mula sa mga barangay na tinamaan ng ASF para malaman kung meron o wala na ang presensiya ng naturang virus.
Napag-alaman na walong mga barangay ang inisyal na bibigya ng mga test pigs na nakatakdang magsimula sa unang quarter sa susunod na taon.